Mundo ng isang mandaragat!

edited 1:48AM in Poet's Corner
paalam muna mga mahal kong kaibigan....tumatakbo ang oras at kailangan salubungin
para makamit ang langit na naisin
sa pag inog ng mundo dagat lalanguyin
para makarating sa pulo ng awitin

mawala man ako saglit sa mundong ito
hindi ko kakalimutan ang bagay na natutunan ko
mahal ko ang lugar na ito, dahil sayo kaibigang totoo
maalaala mo sana ako sa dagat na pupuntahan ko

kahit kailan, lumakas man ang alon
bumaha man ng tubig sa ibabaw ng mundo
hindi matitinag ang pag asang magkita ulit tayo
magkakausap sa mga naranasan at pagbabago

mahal ko kayo mga kaibigang aking nakilala
sa mundong ito kayo ang dinadakila
mga popster na aking nakasama
sa mundong esgie.com na aking sinisinta

maglayag man ako sa kakaibang mundo
ang mundo pa rin dito ang siyang hahanapin ko
babalik ako at lalangoy sa piling niyo
pero paalam muna kaibigan lalangoy na ako..

Comments

Sign In or Register to comment.