The One One: Truly one of a kind.

Banat News Cebu - (02Aug09)May Gusto lang akong eshare na news.. kanina pa ako nagtatry na magpost kaya lang hindi ako makakapost thanks ate G at nasabihan mo ako tungkol dito....

Ito na po.... I translated it na po...

Title:THE NEXT ONE (Truly one of a kind)
Date: August 2, 2009
Source:Banat News, Cebu
By: Bonding Adrian (Hugyaw)



Hay naku naku naku mga kabonding at mga kahugyawnatics! Umaapaw ang mga Cebuano noong Biyernes para sa The Next One Concert: The Philippine Tour sa nag-iisang Pop Star Princess sa Pilipinas na si Sarah Geronimo.

In Fairness to the producers ha, maagang nag-umpisa ang show. Suot ang yellow penguin costume, Kinanta ni Sarah ang kantang nagpasikat sa kanya ang "Forever's Not enough". "Talagang di ko maliilimutan ang kantang ito, kahit saan ako magpunta, talagang ni-re-request po eto," Sabi ni Sarah sa mga fans niyang cebuano. "Bilib talaga ako sa batang yan, grabe ang husay, say pa ni Anna Fegi na tumingin din sa concert. Inamin ni Sarah na kinakabahan siya kasi ang alam niya na ang mga Cebuano's ang pinakamahirap i-please na audience. "Natutuwa naman po ako na nag-enjoy kayo sa concert, sa lahat po ng nanood" say pa ng Pop Star Princess sa Banat Hugyaw.

Marami-rami din ang guest ni Sarah sa concert niya. Unang lumabas ang pinakabagong recording artist ng Viva Records na si Simon Wood. Kinikilig ang mga cebuanos ng tinawag niya ang long time admirer niyang si Mark Bautista. Samantalang ang Ex PBB housemate and Myx VJ Robi Dominggo ay nagbigay ng sayaw sa mga audience. Pero mas umingay ng husto ang mga cebuano noong nagperform na ang Silver Medalist ng 9th Shanghai Festival ug Star in a Million Runner Up Jimmy Marquez. Marami din ang natuwa sa pinakitang galaw ni Billy Crawford. "Parang mali ang title ng show, dapat hindi the Next Once, dapat "SHE IS THE ONE" say pa ni Billy sa crowd. Mas lalong natuwa ang mga tao ng nagshowdown na sina Sarah at Billy sa kanilang RnB dance medley.

Sa anim na taon ni Sarah sa showbiz, napatunayan na niya na she is a star di ba? Mapa recording man, teleserye, commercials, pelikula and most especially sa Concert scene. Sa mga hindi nakakakita, sus magsisisi kayo. Hahahahaha. Para sa inyong kabonding, ang SARAH GERONIMO THE NEXT ONE CONCERT sa Cebu ang isa sa pinakasulit na concert na nakita ko. Pero kung gusto niyong makita ang show na ito, pwede kayong pumunta sa Tagum at Davao City ngayong August 14 and 21. Hahahaha. Magkikita na lang tayo doon! Hahaha!
«1

Comments

Sign In or Register to comment.