Mark Bautista still feels hurt for Sarah Geronimo's sake

edited January 2011 in News and Articles
Pop.ph (04Jan11)Mark Bautista still feels hurt for Sarah Geronimo's sake

Kasama sa kontratang pinirmahan ni Mark Bautista sa paglipat niya noon mula ABS-CBN papuntang GMA-7 ang pagkakaroon ng teleserye. Kaya isang magandang sensyales sa pagsalubong ng bagong taon ang pagkakasama niya sa Dwarfina.

Ginagampanan ni Mark dito ang papel ni Estong, ang matalik na kaibigan ni Lyndon, na ginagampanan naman ni Dennis Trillo.

"Sobrang saya ko. Iba ang atmosphere at medyo bago lahat sa akin," sambit ni Mark nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Dwarfina kagabi, January 4.

Nakaka-one taping day pa lang si Mark kaya hindi pa raw niya nakakasalamuha ang ibang co-stars niya rito.

MARK AS A KAPUSO. Malapit na ring mag-one year sa GMA-7 si Mark simula nang i-launch ang musical-variety show na Party Pilipinas noong March 28, 2010.

Tinanong ng PEP ang singer-actor kung na-meet ba ang lahat ng expectations niya nang pumirma siya ng kontrata sa Kapuso network.

"Well, itong soap lang naman ang na-delay. At ako naman, ayoko rin naman na tanungin pa nang tanungin ang manager ko kung ano ba ang nangyari.

"But ngayon, yung GMA naman, hindi naman ako pinabayaan at talaga namang naghanap sila ng material for me," saad niya.

Three years daw ang pinirmahan niyang kontrata sa GMA at masaya naman daw siya so far.

"Walang regrets. Sobrang happy ako," sambit ni Mark.

"Kasi yung mga... like exposures ko naman sa Party Pilipinas... Sa ASAP, hindi sa wala akong exposures, pero napangalagaan pa rin akong talaga sa Party Pilipinas. Nadagdagan bale yung exposure."

Good thing for Mark, open at nakakasama pa rin naman daw niya ang mga dati niyang kasamahan sa Kapamilya network.

MARK'S LOVE LIFE. Nangiti naman si Mark nang kamustahin namin ang love life niya, sabay sabing, "Masaya."

Ibig bang sabihin nito ay meron siyang love life ngayon?

"Well, ako, masaya na ako noong 2010 kasi punung-puno ako ng pagmamahal at masaya ako," nakangiti niyang sagot.

This year, may plano na ba siyang ma-in love?

"Oo naman, oo naman!" bulalas niya.


"Gusto ko yun at matagal ko nang inaasam yun.

"Gusto ko, kung magmamahal ako, yung totoo. Ayokong dayain ang sarili ko na para lang ipakita sa tao.

"Gusto ko na yung mararamdaman ko, totoo."


Nali-link ngayon si Mark sa Survivor Philippines castaway na si Jef Gaitan, pero wala namang kalinawan kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nila.


SARAH GERONIMO. Kumusta naman sila ngayon ng dati niyang kasamahan sa ASAP at kapwa Viva talent na si Sarah Geronimo, na linigawan din niya noon?

"Kay Sarah, okay ako kasi may communication kami ulit. Christmas, New Year, nagkakabatian kami.

"Last naming kita was noong Regine Velasquez-Ogie Alcasid wedding," banggit ni Mark.

Nanliligaw ba siyang muli kay Sarah?

"Hindi naman sa nanliligaw. Ayoko rin naman kasi nakakausap ko rin naman siya at siya rin naman, parang... Ayoko rin naman kasi may pinagdadaanan siya ngayon sa buhay niya," sagot niya.

Ang tinutukoy ni Mark na "pinagdadaanan" ni Sarah ay ang alitan nila ni Cristine Reyes dahil diumano kay Rayver Cruz.

Sa palagay ba ni Mark ay hindi pa nareresolba ang isyu sa pagitan nina Sarah, Cristine, at Rayver?

"Well, na-resolve na yata, pero ayoko kasing tanungin. Pero, parang ngayon kasi, mainit pa ang mga isyu."

On his part, ano ang na-feel niya during the height of Sarah's issue?

"I felt bad kasi kilala ko si Sarah. Kapag may lumabas na ganoon, feeling mo, parang masyadong nasasaktan ang tao kaya bilang kaibigan, nasasaktan din talaga ako," sabi ni Mark.

So, may feelings pa siya kay Sarah?

"Siguro, kasi nasasaktan pa rin ako!" natatawang sagot niya.

«1

Comments

  • edited 2:26AM
    "Siguro, kasi nasasaktan pa rin ako!" natatawang sagot niya.


    gusto ko tong sagot ni MArk.. hehehehe
  • edited January 2011
    nakakatuwang malaman na may communication pa rin sina MB at SG, kc in the very first place si MB nmn talga ang unang naging friend ni ate sarah eh...since star for a night... =)
  • edited 2:26AM
    Hehehe, malay mo kayo pa rin sa huli.
  • edited 2:26AM
    That's great......malay mo Mark, ikaw pala ang winner sa huli...
  • thanks for sharing,tama c mac hehe
  • edited 2:26AM
    'maj2' wrote:
    Hehehe, malay mo kayo pa rin sa huli.


    KOREK KA DYAN TA AGREE AKO DYAN ...
  • edited 2:26AM
    sana lang mac hwag ka sumuko.at makita ka na ni sg as as lover nya at hindi bilang frend
  • edited 2:26AM
    Thanks zhane for sharing.

    just in case, hindi niyo pa napapanood ang bagong MV ni Sarah G, here's the YT link ng "Sino Nga Ba S'ya".....


    pls paki-vote sa Chartcentral via online daily/hourly ang "Sino Nga Ba S'ya"......here's the link:
    http://chartcentral.blogspot.com/

    pls paki-vote din via text.....just type MYX(space)VOTE(space)SINO NGA BA S'YA and send to 2366
    Thanks much!!!
  • msindependentmsindependent Popster
    edited 2:26AM
    thanks for sharing!
  • edited 2:26AM
    whoa! kinilig ako sa last na sagot niya. [img]https://sarahgeronimo.com/uploads/ipb/style_emoticons/legacy/smile.gif True Love talaga :"> thanks for sharing![/img]
  • edited 2:26AM
    hey gud pm loves talaga ni MARK B. si idol SARAH G. IN GOD'S TIME!!!! thanks for sharing!
  • edited 2:26AM
    Thanks po for sharing smile.gif
  • edited 2:26AM
    Thanks for sharing!
  • edited 2:26AM
    ganyan talaga pag mahal mo mahal mo..hahaha.. kinikilig ako.waaah!
  • edited 2:26AM
    'zhane' wrote:
    Mark Bautista still feels hurt for Sarah Geronimo's sake

    Kasama sa kontratang pinirmahan ni Mark Bautista sa paglipat niya noon mula ABS-CBN papuntang GMA-7 ang pagkakaroon ng teleserye. Kaya isang magandang sensyales sa pagsalubong ng bagong taon ang pagkakasama niya sa Dwarfina.

    Ginagampanan ni Mark dito ang papel ni Estong, ang matalik na kaibigan ni Lyndon, na ginagampanan naman ni Dennis Trillo.

    "Sobrang saya ko. Iba ang atmosphere at medyo bago lahat sa akin," sambit ni Mark nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Dwarfina kagabi, January 4.

    Nakaka-one taping day pa lang si Mark kaya hindi pa raw niya nakakasalamuha ang ibang co-stars niya rito.

    MARK AS A KAPUSO. Malapit na ring mag-one year sa GMA-7 si Mark simula nang i-launch ang musical-variety show na Party Pilipinas noong March 28, 2010.

    Tinanong ng PEP ang singer-actor kung na-meet ba ang lahat ng expectations niya nang pumirma siya ng kontrata sa Kapuso network.

    "Well, itong soap lang naman ang na-delay. At ako naman, ayoko rin naman na tanungin pa nang tanungin ang manager ko kung ano ba ang nangyari.

    "But ngayon, yung GMA naman, hindi naman ako pinabayaan at talaga namang naghanap sila ng material for me," saad niya.

    Three years daw ang pinirmahan niyang kontrata sa GMA at masaya naman daw siya so far.

    "Walang regrets. Sobrang happy ako," sambit ni Mark.

    "Kasi yung mga... like exposures ko naman sa Party Pilipinas... Sa ASAP, hindi sa wala akong exposures, pero napangalagaan pa rin akong talaga sa Party Pilipinas. Nadagdagan bale yung exposure."

    Good thing for Mark, open at nakakasama pa rin naman daw niya ang mga dati niyang kasamahan sa Kapamilya network.

    MARK'S LOVE LIFE. Nangiti naman si Mark nang kamustahin namin ang love life niya, sabay sabing, "Masaya."

    Ibig bang sabihin nito ay meron siyang love life ngayon?

    "Well, ako, masaya na ako noong 2010 kasi punung-puno ako ng pagmamahal at masaya ako," nakangiti niyang sagot.

    This year, may plano na ba siyang ma-in love?

    "Oo naman, oo naman!" bulalas niya.


    "Gusto ko yun at matagal ko nang inaasam yun.

    "Gusto ko, kung magmamahal ako, yung totoo. Ayokong dayain ang sarili ko na para lang ipakita sa tao.

    "Gusto ko na yung mararamdaman ko, totoo."


    Nali-link ngayon si Mark sa Survivor Philippines castaway na si Jef Gaitan, pero wala namang kalinawan kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nila.


    SARAH GERONIMO. Kumusta naman sila ngayon ng dati niyang kasamahan sa ASAP at kapwa Viva talent na si Sarah Geronimo, na linigawan din niya noon?

    "Kay Sarah, okay ako kasi may communication kami ulit. Christmas, New Year, nagkakabatian kami.

    "Last naming kita was noong Regine Velasquez-Ogie Alcasid wedding," banggit ni Mark.

    Nanliligaw ba siyang muli kay Sarah?

    "Hindi naman sa nanliligaw. Ayoko rin naman kasi nakakausap ko rin naman siya at siya rin naman, parang... Ayoko rin naman kasi may pinagdadaanan siya ngayon sa buhay niya," sagot niya.

    Ang tinutukoy ni Mark na "pinagdadaanan" ni Sarah ay ang alitan nila ni Cristine Reyes dahil diumano kay Rayver Cruz.

    Sa palagay ba ni Mark ay hindi pa nareresolba ang isyu sa pagitan nina Sarah, Cristine, at Rayver?

    "Well, na-resolve na yata, pero ayoko kasing tanungin. Pero, parang ngayon kasi, mainit pa ang mga isyu."

    On his part, ano ang na-feel niya during the height of Sarah's issue?

    "I felt bad kasi kilala ko si Sarah. Kapag may lumabas na ganoon, feeling mo, parang masyadong nasasaktan ang tao kaya bilang kaibigan, nasasaktan din talaga ako," sabi ni Mark.

    So, may feelings pa siya kay Sarah?

    "Siguro, kasi nasasaktan pa rin ako!" natatawang sagot niya.

    tnx po for sharing
    peacecirclesmaller.gif
  • 'maj2' wrote:
    Hehehe, malay mo kayo pa rin sa huli.
    Tamaaaaaaaaaa!!!!! Hehe! [img]https://sarahgeronimo.com/uploads/ipb/style_emoticons/legacy/SCQ Flowers2.png ][/img]
  • edited January 2011
    itong si MB talaga oh..napakagaling sumagot ng SAFE..yun ang gusto ko sayo MB..very MANLY sumagot unlike yung iba diyan..BAKLAS sumagot..haha....go go go lang MB..malay natin sa huli kaw pala mananalo..may the best MAN win...lol..thanks for sharing..
  • edited 2:26AM
    ayeeeee.

    gusto ko yung last part. hahhahah. siguro pa daw o. hahhaha
  • edited 2:26AM
    thanks for sharing
  • edited 2:26AM
    ,tnx po for sharin'
Sign In or Register to comment.