Sarah admits Gerald is special to her (15Feb12)

Sarah admits Gerald is special to her

[font=verdana, geneva, lucida,]
Written by : Vinia Vivar


Magsisimula na ang bagong variety show ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN na Sarah G. Live sa Feb. 26 kaya kahapon, nagkaroon ng grand presscon ang show kung saan ay present ang Pop Star at special guest co-host na si Gab Valenciano, direktor na si Erick Salud at choreographer na si Teacher Goercelle Dapat-Sy.

Co-host din si Luis Manzano pero hindi siya nakarating sa presscon, gayundin ang musical director na si Louie Ocampo.

Papalitan ng Sarah G. Live ang Gandang Gabi Vice every Sunday kaya natanong sila kung paano papantayan o hihigitan ang show ni Vice Ganda sa pagte-trend every week sa Twitter.

“Kami po, gusto rin po namin ’yun,” say ni Teacher Georcelle, “’yung pag-usapan ang show. Ibig sabihin po, naa-appreciate po nila ang ginagawa namin. Gusto rin po namin na mabigay at ma-entertain ang mga manonood sa TV.

“Pero when you watch Vice Ganda’s show, you watch because you want to be entertained and you want to laugh and laugh and laugh.

“When you watch our show, Sarah G. Live, you will watch because of Sarah G.’s talent, Sarah G.’s dancing prowess and Sarah G.’s charisma. ’Yun naman po talaga ’yung meron si Sarah G.

“Eto pong show namin, eh, ie-extend pa ang merong offer si Sarah G. Mapa-acting na live, sayawang live, ’yung pagiging host niya, dito n’yo lahat makikita. Kumbaga, this is a full show na all about Sarah G.”

Dito raw makikita ang mga walang kaparis na sing- and-dance performance ni Sarah and definitely, a braver and bolder Sarah.

Dahil Valentine’s Day kahapon, natanong si Sarah kung ano ang plano niya for the night, pero aniya, wala pa talagang plano.

“Kung papayagan po ako ng parents ko na lumabas with my friends and kasama rin po sila siyempre,” she said.

Diniretso na ang tanong sa kanya na papayag ba siya kung yayayain siya ni Gerald Anderson na mag-date.

“Siguro wala naman pong masama kung magyaya po siya. Okay lang po sa akin kasi okay naman kami at saka friends naman kami at saka nae-enjoy ko talaga ’yung every moment na nakakasama ko siya. “Pero siyempre, magpapaalam po ako sa parents ko kung papayag. Kung hindi, rerespetuhin po natin ’yun.”

Sa diretsang tanong pa rin, ano ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Gerald ngayon, sila na ba?

“Happy po ako for the friendship that we have. Eto, wala po talagang showbiz answer at sinabi ko po ’yan sa inyo, even Gerald, sabi niya, ayaw na niya ’yung next relationship niya na sikreto kasi nga, hindi maganda ’yung ganu’n.

“At ako, ayoko rin na ililihim niya sa inyo and most especially to my parents, so, sabi ko, hindi ko na gagawin ’yung nagawa ko in the past. So, hindi po, hindi po.”

Aminado siyang special sa kanya si Gerald pero she swears na hindi pa sila.

“’Yung mga bagay na ganyan naman po, tulad ng sabi niya, huwag nating madaliin. Kung mararamdaman namin ’yung feeling na ’yun, ’yung love, ’yung gusto naming makasama ang isa’t isa, mararamdaman naman namin ’yun. Pero sa ngayon, wala pa,” say pa ng Pop Princess.

http://journal.com.ph/index.php/ente...special-to-her
[/font]

Comments

Sign In or Register to comment.