Sarah kilig na kilig kay Gerald (15Feb12)

Sarah kilig na kilig kay Gerald

[font=verdana, geneva, lucida,]
TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) Updated February 15, 2012

Kahapon ang presscon ng Sarah G. Live!, ang Sunday night programa ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN.

Invited ako sa presscon pero hindi ako nakapunta dahil sa very busy schedule ko kahapon.

Makakaasa si Sarah na panonoorin ko ang pilot telecast sa February 26 ng kanyang bagong show sa Kapamilya network.

Goodbye ASAP muna si Sarah para makapag-concentrate siya sa solo program niya. Ginamit ko ang word na goodbye muna dahil sure ako na darating ang panahon na ibabalik din si Sarah sa Sunday noontime show ng ABS-CBN.

Kahit hindi niya sabihin, excited at kabado si Sarah sa Sarah G. Live! dahil nakasalalay sa kanya ang tagumpay ng show.

Normal lang na kabahan si Sarah pero lucky ito dahil mahuhusay ang production staff at choreographer ng Sarah G. Live! Si Teacher Georcelle Dapat-Sy ang choreographer ng show ni Sarah at alam ng lahat ang kanyang husay.

Si Teacher Georcelle ang isa sa mga pinaka-in demand na choreographer ngayon sa bansa at bukod sa pagiging dance choreographer, direktor din siya ng mga concert.

Hindi na siya maabot ‘ha?

May mga naniniwala na nagkakamabutihan sina Sarah at Gerald Anderson. May nagkuwento sa akin na na-feel ng mga reporter ang kilig ni Sarah nang tanungin ito tungkol sa pagyayaya sa kanya ni Gerald na magkaroon sila ng Valentine date kagabi.

Hindi umamin at hindi nag-deny si Sarah. Nag-dialogue siya na si Gerald na lang ang tanungin ng mga reporter.

Oo o hindi lamang ang sagot sa very simple question kay Sarah at dahil sa inasal nito, naghinala ang press na nagkakagustuhan sila ni Gerald na hindi masama. Dalaga si Sarah, binata si Gerald.

http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96
[/font]

Comments

Sign In or Register to comment.