Sarah, lalong bumilib kay Gerald (15Feb12)

[font=Tahoma, Geneva, sans-serif]
Sarah, lalong bumilib kay Gerald
[/font]
Allan AllaAllan Diones

SAKTONG Valentine’s Day ang presscon kahapon ni Sarah Geronimo para sa bago niyang live solo musical variety show sa ABS-CBN na Sarah G. Live.
Niyaya ba siya ni Gerald Anderson na ma*ging Valentine date nito nu’ng araw na ‘yon?
Natawa si Sarah at hindi agad nakasagot, “Puwede po bang secret?”
Kasasabi niya lang sa open forum na mas naging open na siya ngayon, tapos ay maglilihim siya? Hindi siya consistent, huh?
“Ha! Ha! Ha! Oo nga. Bakit ko ba nasabi ‘yon? Ha! Ha! Ha! Hindi, puwede po bang siya *(Gerald) na lang ang tanungin n’yo? Kasi, nahihiya po ako na manggaling sa akin! He! He! He!” matamis ang smile na tugon ni Sarah.
Halimbawang niyaya siya ni Gerald ng date? Anong magiging sagot niya sa binata?
“Kung libre naman po ako mamaya at kung papayagan ako, bakit naman hindi?” pakli ng Pop Star Princess.
Libre ba siya?
“Naku! Ha! Ha! Ha! Actually, ang daming choices na puwedeng gawin, mga concert na puwedeng panoorin. Tapos, sa church… marami, eh!”
Manonood ba sila ni Gerald ng concert?
“Pag-iisipan pa po. Ha! Ha! Ha!” tawa ng mukhang haping-happy na si Sarah.

Pagkatapos ng open forum ay inulit namin kay Sarah ‘yung tanong namin.
Halimbawang libre siya sa gabi ng Valentine’s at niyaya siya ng date ni Gerald, papayag ba siyang lumabas sila?
“Siguro, wala naman pong masama kung magyaya po siya, ‘di ba? Ha! Ha! Ha!
“Okey lang. Okey lang naman po sa akin. Kasi, okey naman kami. Friends naman kami at saka nae-enjoy ko talaga ‘yung *every moment na nakakasama ko siya.
“Pero siyempre, magpapaalam po ako sa parents ko kung papayag. Kung hindi, respetuhin po natin ‘yon,” bulalas ng 23-anyos na pop diva.
Sila na ba ni Gerald? Mukhang very happy kasi siya, eh!
“Happy naman po ako dati pa. Happy ako for the friendship that we have. Ito, wala po talagang showbiz answer, sinabi ko po ‘yan sa inyo… even Gerald, sabi niya, ayaw na niya ‘yung next relationship niya na sikreto.
“Kasi nga, hindi maganda ‘yung gano’n. At ako, ayoko po nang ililihim sa inyo and most especially to my parents. So, sabi ko, hindi ko na gagawin ‘yung nagawa ko in the past.
“Pero hindi (pa po kami). Hindi po,” kaswal na pakli ni Sarah.
Aminado siyang ‘special’ sa kanya si Gerald dahil gaya ng lagi niyang sinasabi, bawat katrabaho niya ay nagiging special sa kanya at nagiging malapit sa puso niya.
Pero ‘yung mga ganu’ng bagay raw ay hindi dapat madaliin.
“Kung mararamdaman namin ‘yung feeling na ‘yon na ‘yung love, ‘yung gusto naming makasama ang isa’t isa, mararamdaman namin ‘yon. Pero sa ngayon, wala pa.”
So, hindi pa sila ni Gerald. Pero, papunta na sila roon?
“Ay, hindi. Hindi po.”
Eh, ano? Pupunta pa lang doon?
“Hindi. Wala pong makakapagsabi niyan. At lalung-lalo na po ako. Wala po ako sa posisyon, bilang ako po ‘yung babae, ‘di ba?
“Wala po ako sa posis*yon magsalita tungkol diyan. So, bahala na po.”
Magiging open ba siya kapag dumating ‘yung time na sila na?
“If it does ever happen again? Opo naman. Kung if ever man po na doon tayo mapunta. Basta, ayoko pong pangunahan.”

Nagpakalbo si Gerald dahil sa Budoy.
Ayon kay Sarah, lalo niyang hinangaan ang Fil-Am young actor nang makita niyang kalbo ito.
Aniya, dahil sa love nito for his craft at sa karakter nitong Budoy ay nagawa ‘yon ni Gerald.
Wala raw itong paki*alam na nagpakalbo, na okey lang naman daw dahil guwapo ang binata kahit anong gawin nito sa buhok nito. Mas hinangaan niya ito ngayong walang buhok.
Kahapon ay nag-text si Gerald at bumati ng ‘Happy Valentine’s!’ kay Sarah.
Pero ‘yung tanong kung niyaya siya ng date ng binata ay consistent si Sarah sa sagot niya na si Gerald na lang ang tanu*ngin tungkol doon.
Hindi sinusuot ni *Sasa ‘yung Tiffany necklace na bigay sa kanya ni Gege nu’ng Pasko. Nahihiya raw kasi siya, pero *susuotin niya rin ito.
Wala siyang naiisip na Valentine gift para kay Gege, pero meron daw siyang gift sa birthday ng binata sa Marso 7.
Hindi pa niya ito nabi*bili, pero mukhang pinaghahandaan ni Sarah. Aniya, walang masama na magre*galo dahil magkaibigan sila.
Ano ‘yung gift na ‘yon?
“Isang bagay na gusto kong magkaroon siya,” napapangiting sagot ni Sarah.
Ano ‘yon, girlfriend?! Hindi kaya ‘yung ‘OO’ niya ang ibibigay niyang regalo kay Gege sa birthday nito?
“Sobra naman. GGSS na ‘yan! Gandang-Ganda Sa Sarili, teh! Ayoko naman pong mag-assume!! Ha! Ha! Ha!”


http://www.abante-tonite.com/issue/feb1512/showbiz_ad.htm

Comments

Sign In or Register to comment.