Paglilinaw sa ilang Isyu

MaricrisMaricris Popster
edited November 2004 in Special Features
article on Moviestar magazineBy Nora Calderon


Bumagay sa popstar na si Sarah Geronimo ang bago niyang hairstyle, mas nagmukha syang bagets sa 16 years of age niya. Lagi siyang nakangiti, hindi mo nga iisipin na nagkasakit sya. Siya rin kasi iyong hindi pa naaapektuhan ng kanyang kasikatan at muli naming nakita ito sa kanya noong humarap sila sa press sa Red box, Greenbelt 3, para sa kanilang bagong concert sa Araneta Coliseum on November 19, 8:00 p.m., ang Pinoy Idols. Totally different ito sa Night of the champions last July. Muling makakasama ni Sarah sina Rachelle Ann, Mark Bautista, Christian Bautista at Raymond Manalo at bago nilang makakasama sina Sheryn Regis at ang bagong Star in a million champion Frenchy Dy. Hindi nila makakasama this time si Erik Santos dahil may concert naman ito sa Araneta Coliseum din, sa November 27. with Ai-Ai Delas Alas


May mga nilinaw kaming issues kay Sarah dahil pati ang mommy niya ay nadadamay. Nagpa-pack-up daw siya ng shooting ng Lastikman kaya nagalit sa kanya ang mga kasama niya sa movie.


“Gusto ko lang linawin na hindi kasalanan ng mommy ko ang pagpa-pack-up ng shooting,” sabi ni Sarah. “Hindi ko na lamang talaga kaya at wala siyang nagawa kundi early morning ng araw ng shooting, tumawag siya kay Boss Vic at sinabing hindi ko talaga kayang mag-shooting . Namaga na talaga iyong tonsil ko na nagsimula pa noong nasa States kami nang mag-concert kami last September. Siguro talagang na-iritate ang tonsils ko dahil sa change of weather. Ang lamig-lamig kasi doon at pagdating ko rito, mainit at tuloy agad ako sa taping ng Sarah The Teen Princess at sa iba ko pang shows at and promo.


“That day kasi, inumaga ang last taping naming ng Sarah…. At pagdating ko sa bahay, halos di na talaga ako makasalita, masakit na masakit na ang throat ko. Hindi po iyon sinabi ni mommy kay Boss Vic dahil baka mabigla siya. Dinala nila ako sa St. Luke’s Medical Center. Hindi rin ako nakarating sa ASAP Mania dahil hindi ko kayang kumanta. Sabi ng doctor ko, pahinga lang ang kailangan ko at hanggang maaari huwag na muna akong masyadong magsasalita para gumaling iyong tonsil ko. Hindi pa nga ako dapat magsalita ngayon, pero okay na naman ang pakiramdam ko kaya dumating na ako rito.


“Gusto kong mag-apologize sa mga kasama ko na naapektuhan ng pagka-pack-up ng shooting namin. Hindi stage mother ang mommy ko, alam lamang niya kung dapat na akong magpahinga at nakikiusap siya pag hindi ko na kaya. May mga times kasi noon na hindi ko na kaya, itinatago namin, pinipilit ko lang. Hindi ako nagrereklamo sa mga trabahong dumarating sa akin, alam kong blessings iyon, pero may pagkakataon na hindi ko na talaga pwedeng gawin.


“Kahit paano medyo nabawasana ng trabaho ko dahil wala na nga ang aking afternoon teleserye. Hanggang October 29 na lamang iyon. Nagkaiyakan nga po kami noong last taping day naming dahil for 8 months din kaming nagkasama-sama. Hindi ko po alam kung may bago akong show, although sabi nila, hinahanapan daw ako ng bagong project. Hindi masama ang loob ko sa Channel 2, mayroon pa naman akong ASAP Mania every Sunday.”



May nagsasabing overworked daw siya dahil hindi na nagta-trabaho ang daddy niya. Ano ang naipundar niya out of her talent fee?


“ May trabaho ang daddy ko noon, at nang pumasok nga ako sa Star For A Night marami silang nagastos sa akin, inutang lamang nila. Nang manalo ako at magsimula na sa showbiz, minabuti niyang mag-resign na lamang sa trabaho niya para masamahan ako sa mga lakad ko. Mas gusto ko naman na siya ang kasama ko, lalo na sa malalayong lugar, dahil I feel safe na sila ng mommy ko ang kasama ko saan man sila pumunta.



“Ang mommy ko ang nagtatago ng pera ko dahil nag-iipon kami ng pera pambili ng sarili naming bahay. Saka may business naman kami, nagtayo ng beauty shop ang parents ko sa malapit sa UST. Kung wala akong lakad, naroon ang mommy at daddy ko. Kung overworked man ako, depende iyon sa ibinibigay na assignments sa akin ng Viva dahil sila ang nagma-manage ng career ko. Kung kaya ko naman, kinakaya ko talaga, pero kapag hindi ko na kaya, nagpapahinga na ako.”



Kinumusta naming sila ni Mark Bautista. At bakit nali-link siya kina John Prats, Carlo Aquino, at Alwyn Uytingco?

“Okey lang kami ni Kuya Mark, magkatambal kami sa Lastikman. Si Alwyn kasama ko sa Sarah… kaibigan ko sina John at Carlo, magkakasama kami noon sa Ang TV. Hindi totoong nanliligaw sa akin ang mga iyon.”

(Moviestar mag/November 9, 2004 issue)

Comments

  • AshYeLLowAshYeLLow Popster
    edited 6:25AM
    thanks cris!!!

    hay...very well said baby sarah :thumbs

    wala na akon ma comment :cloud9
  • edited 6:25AM
    Allright, there you go. From now on, I hope she just ignores journalists who ask her questions about this because, she shouldn't have to keep explaining herself.
Sign In or Register to comment.