Sarah, mukhang maligaya at in love By Allan Diones

edited December 2011 in News and Articles
Abante-Tonite
Dec. 09, 2011

Sarah, mukhang maligaya at in love
by Allan Diones

KAKAIBA ang aura ngayon ni Sarah Geronimo at mukhang happy and in love siya.

Habang rumarampa si Sarah sa mini fashion show sa presscon ng ineendorso niyang appa­rel brand na Unica Hija ay tila iisa ang obserbasyon ng press na mukhang totoo ang tsikang may bago na siyang lovelife.

Totoo bang sila na ni Gerald Anderson?

“Ay, hindi po. Kung kami man po, sasabihin po namin ‘yon. Wala po kaming itatago. Kung magkakaroon po kami ng next level, hindi ko po itatago talaga,” mabilis na sagot ng dalaga sa pang-uusisa namin.

Pero papunta na sila du’n ni Gerald?

“Ay, hindi. Ha! Ha! Ha! Siyempre, guwapo naman po si Gerald, mabait naman. Lahat naman tayo, ideal boyfriend natin, kasingguwapo na gano’n, kasimbait na gano’n.

“Pero huwag na lang po natin sigurong pa­ngunahan. Baka hindi naman po talaga kami para sa isa’t isa,” biglang ka­big niya sa kanyang statement.

Mahirap bang magtago ng relasyon?

“Oo, ginawa ko na ‘yun noon. Tama na ‘yon! Ha! Ha! Ha!

“Let’s just say po na nabuo po ‘yung friendship namin (ni Gerald) at sobra po akong happy, kasi komportable ako sa kanya.

“Ganu’n din naman siya. Kumbaga, mas nag-o-open up na rin siya, gano’n. So, ‘yun lang. ‘Yun ‘yung masarap. Masarap?! Ha! Ha! Ha!”

Siya raw ang babaeng pinakamalapit ngayon sa puso ni Gerald, eh!

“Siyempre, nakakatuwa lang po. Nakakataba ng puso na kino-consider niya ako na the closest girl in his life now. So, ayun.

“Kasi, ako naman, nandiyan naman ako sa kahit na sinong kaibigan ko, lalaki man ‘yan o babae. Nandito ako para sa kanila.”

Totoo bang natupad na ang Christmas wish niya?

“‘Yung alin? ‘Yung boyfriend ba ‘yon? Ay, hindi pa, eh.

“Ang ibig kong sabihin doon, sana the next time na magka-boyfriend ako, sana siya na ‘yung mapapangasawa ko.

“Ibig sabihin, hindi ako nagmamadali. Gusto ko na ‘pag nagka-boyfriend ako, ‘yun na ang pakakasalan ko,” sey pa ng 23-anyos na Pop Princess.

Last time na ganu’n kaganda ang aura niya ay nu’ng panahong sila pa ni…

“Kanino po? Kay Rayver (Cruz)? Naku, hindi. Magaling lang po ‘yung makeup artist ko. Ha! Ha! Ha!

“Happy po kasi ako ngayon. Happy ako na naging successful naman po kahit paano ‘yung pelikula namin ni Gerald at naging mas malapit kami sa isa’t isa.

“At saka masaya ang pamilya ko, walang problema sa bawat isa sa amin. So, positive aura lang po siguro.”

Hindi naman pala malamig ang Pasko niya, medyo may magpapainit dahil nandiyan si Gerald?

“Ha! Ha! Ha! Hindi ko naman po hina­hanap ‘yung mainit na Pasko sa isang lalaki. Basta ako, haping-happy po du­ring Christmas time.

Kasi, ‘yan po ‘yung time ko with my family, ‘di ba?

“Ang saya-saya ng Pasko. So, hindi siya nakadepende sa isang boyfriend,” dayalog ni Sarah.

Christmas wish niya ba ang magka-boyfriend?

“Hindi ‘yung magka-boyfriend. Sabi ko, if ever na magka-boyfriend ako ulit, sana siya na. Ayoko kasing dumaan pa ako sa iba’t ibang relasyon. Katulad po nu’ng sinabi ko sa presscon ng Won’t Last A Day Without You.”

Maiinlab na ba siya sa 2012?

“Wow, who knows, ‘di ba? Si Lord lang ang nakakaalam kung maiinlab ako ulit sa susunod na taon.

Pero pinagdara­sal ko po na sa tamang panahon at sa tamang lalaki ako maiinlab.

“Huwag na pong madaliin. Kasi, darating din naman siya sa tamang panahon,” sabi pa ng very wholesome na dalaga.

***

Almost 3 years nang endorser si Sarah ng Unica Hija. Aniya, fit na fit ito sa personality niya dahil ang mga damit ng Unica Hija ay not too revealing, bagay sa modern-day Filipina na very stylish, edgy at elegant.

Natawa ang press sa hirit ni Sarah na never siyang magsusuot ng sobrang revealing ka­tulad ng swimsuit. Kahit kapag nagsu-swimming ay naka-shorts daw siya dahil hindi niya kering mag-swimsuit.

http://abante-tonite.../showbiz_ad.htm
Tagged:

Comments

Sign In or Register to comment.