Judy Ann on Gerald Anderson - 30 Mar. 12

I just want to share lang po...

Judy Ann Santos kay Gerald Anderson: Sana totoo ang panliligaw kay Sarah Geronimo!

Pinoy Parazzi
Maiba Lang
Melba Llanera
March 30, 2012

SIMPLE PERO makahulugan ang binitiwang salita sa amin ni Judy Ann Santos nang hingan namin siya ng reaksyon sa balitang panliligaw ni Gerald Anderson kay Sarah Geronimo.
Ayon kay Juday, sana ay hindi ito ginagawa ni Gerald dahil lang sa kagustuhan o sinasabi sa kanya ng ibang tao. Hindi man sila nagkakausap pa ni Sarah na itinuturing niyang parang nakababatang kapatid sa industriya, ang hiling ni Juday sana ay maging masaya talaga ang Pop Princess at makita nito ang lala-king totoong magmamahal sa aktres/singer.
Sa tinagal-tagal sa showbizness at naipareha na rin kung kani-kanino, maaaring napagdaanan na rin ng aktres ang ganitong sitwasyon kung saan nasaktan ito sa nangyari.
Pagkatapos magbigay ng suporta kay Sharon Cuneta tungkol sa mga nagba-bash sa megastar, balitang si Juday naman daw ang bina-bash sa ngayon. Ang maganda ay walang Twitter account ang aktres, kung saan mababasa niya ang mga negative at below the belt na mga sasabihin sa kanya ng ibang tao.
Sa interview nga namin kay Juday, sinabi nito sa amin na quota na siya dati sa mga panlalait sa kanya ng ibang tao, at ‘di na niya pagbibigyan pa ang iba na gawin uli ito sa kanya tulad ng ginagawa ng karamihan sa Twitter.

Comments

Sign In or Register to comment.