PEP: Sarah Geronimo on her failed relationships (04Jan13)

outriggeroutrigger One SG Force
edited 7:49AM in News and Articles
Sarah Geronimo on her failed relationships: “Sana bago pumasok sa ganitong klaseng bagay, bago ako niligawan, dapat sigurado sila.”
Melba R. Llanera
Friday, January 04, 2013 @ 01:05PM


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakalabas ng bansa si Sarah Geronimo na hindi kasama ang mga magulang niyang sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Nagbakasyon si Sarah sa Brazil, kasama ang mga kaibigang sina KC Concepcion at Georcelle Dapat-Sy ng grupong G-Force.

Para sa iba ay senyales ito na mukhang paunti-unti ay ibinibigay na ng pamilya ng Pop Princess ang kalayaan na magdesisyon para sa kanyang sarili—bagay na matagal nang hinihintay ng iba na makita kay Sarah at sa kanyang pamilya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sarah sa Imo’s Pancit Malabon sa Tandang Sora, Quezon City, kagabi, January 4, kinumusta namin sa Pop Princess ang bakasyon niya sa Brazil.

Kuwento niya, “Sa Brazil, first week of December... December 1 to 6, Kasama namin si Teacher Georcelle.

“Siyempre, liberating yung feeling.

“Saka siyempre yung freedom na yun comes with kaunting responsibilities, dapat may responsibilidad ako sa mga gagawin ko.

“Naging successful naman ako... kaming lahat dito.

“Nalaman ko lang kay Teacher Georcelle… dapat sila ni KC yun, e, naikuwento niya sa akin na punta nga sila ng Brazil. Sabi ko, ‘Teacher, sama ako.’

“Gusto ko rin kasing makarating ng Brazil, yung sa Twilight, yung honeymoon nila Edward saka ni Bella.

“Saka yung Rio na animation, sobrang nagustuhan ko.

"Sabi ko, gusto kong makarating dun.

“Ayun, nakasama naman ako.”

BONDING WITH KC. Positibo rin si Sarah na maaaring simula na ito ng malalim na pagkakaibigan sa pagitan nila ni KC Concepcion.

Aminado si Sarah na minsan ay nai-intimidate siya kay KC.

“Opo, nakaka-starstruck. Pag nakikita mo siya, nahihiya kang mag-picture na katabi niya.

“Ang bait-bait, humble, cowboy… nakaka-text from time to time.

“Sharing kaming lahat. Masarap sa pakiramdam na nailalabas mo kung ano ang nasa puso mo.”

FAMILY’S APPROVAL. Kuwento pa niya, “Nung umpisa… pero matagal ko na itong ipinaalam.

“Nung bago pa ako nag-birthday, naka-block off na ito talaga... nakaplano na yun.

“So, okay. Dapat may kasama ako, yung ate ko, kaya lang nasa ibang bansa.

"Dapat uuwi siya kaya lang nagkaroon yata ng conflict sa sked niya."

Kilalang disciplinarian at overprotective ang pamilya ni Sarah sa kanya. Inamin naman ng Pop Princess na muntik nang hindi matuloy ang bakasyon niyang ito, pero ipinaglaban niya sa kanyang mga magulang.

“Kamuntik na akong hindi tumuloy, pero ipinaglaban ko rin na matuloy.

“Kasi siyempre, inaasahan din naman ako ng mga kasama ko at gusto ko rin namang ma-experience mag-travel na ako lang, kasama ko lang...

"Kasi alam kong magiging part ito ng growth ko as a person.

“Saka nakita naman nila na mabuting tao si Teacher Georcelle, so pinayagan nila ako.

"Nakita din nila na gusto ko rin talaga.”

A NEW EXPERIENCE. Ayon kay Sarah, marami siyang natutunan sa karanasan niyang ito.

“Natutuhan ko siyempre mag-impake... na ang hirap-hirap pala!

“Yung pagpa-pack ng gamit here, tinulungan ako ng mga kasama ko sa bahay.

“Pero nung nandun na, ako na.

“Natutuhan kong maging mabilis kumilos, maging responsible sa time.

“Sa mga bilihin, first time kong bumili na… ang hirap palang mamili ng mga pasalubong.

“Kasi siyempre, gusto mo personalized talaga. Hindi yung kukuha ka na lang diyan.

"Kaya ang tagal-tagal kong namimili.”

THIRD MOVIE WITH JOHN LLOYD. Humingi naman kami kay Sarah ng update sa third installment ng muling pagtatambal nila ni John Lloyd Cruz, ang It Takes A Man And A Woman, na ipalalabas sa Black Saturday.

“Okay naman. Sa lahat naman ng projects, may pressure, lalo na naging successful yung mga nauna.

“Kumbaga, sa tagal ng mga hinintay ng mga tao… actually hinihintay pa rin ng mga tao.

“Hindi sila nagsawang hintayin, nakita pa rin nila yung magandang chemistry namin ni Lloydie.

“Saka nakikita ko naman na talagang pinapaganda yung script. Malaki yung tiwala ko sa direktor namin.”

Balita noon na muntik nang hindi gawin ang You Changed My Life (2009), na pangalawang pelikula na pinagtambalan nila, dahil sa balitang muntik-muntikan nang panliligaw ni John Lloyd kay Sarah.

Nang usisain tungkol dito ay nakiusap ang Pop Princess na huwag nang balikan pa ang nakaraan.

Sabi niya lang, “Aminado naman ako na naging crush ko talaga siya.

“Hindi naman ako kumportableng ikuwento yung dati.

“Kumbaga, kung ano na lang ang magandang nabuong friendship namin, nagpapasalamat ako na na-regain namin yun kung ano man yung nangyari sa past.

"Natutuwa ako na okay na.

“Sayang, kumplikado lang talaga.

“Alam n’yo naman si Lloydie, at lagi ko nga ‘yang binibiro, ‘Huwag kang ngingiti nang ganyan para hindi nahuhulog sa iyo ang mga babae.’”

Ngunit panay ang papuri ni Sarah tungkol sa kapareha.

Aniya, “Yun yung tao na masarap talagang kausap, masarap kuwentuhan ng kahit anu-ano lang, kakausapin ka niya nang maayos.

“Mabait talaga, magandang katrabaho, aalalayan kang talaga.

“Alam ninyo yung hindi ko naramdaman sa kanya na iba ako? Alam ninyo yung feeling na yun na parang sobrang kumportable ako?

“Wala siyang arte.”

THANKFUL. Marami mang pinagdaanang sakit ng loob si Sarah noong 2012, ipinagpapasalamat naman niya ang mga magagandang nangyari sa kanyang career.

Pahayag niya, “Unang-una, papasalamatan ko ang lahat ng mga projects na ibinigay sa akin, especially yung Sarah G. Live.

"Kasi malaking tiwala ang ibinigay sa akin ng Channel 2.

“It’s a challenge every episode, ginagawa naming maayos talaga na ma-entertain namin ang mga tao.

“Kasi may ASAP, may GGV [Gandang Gabi Vice], so ang hirap-hirap sa amin.

“Hopefully, this year, mas mapaganda namin yung show, mas mabigyan namin ng time lahat ng mga production numbers na ginagawa namin.

“Siyempre, may takot din ako na baka magsawa ang mga tao sa akin kasi concert performer tayo.

“Ano ba yung iba na mapapakita ko pa sa mga concerts na ginagawa ko.”


HEARTBREAKS. Naging bukas na aklat ang panliligaw ni Gerald Anderson kay Sarah noong 2012, pero nahinto ito dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang ng singer-actress.

Pero ayon kay Sarah, “Ayoko siyang pag-usapan.

“Hindi lahat ng napapanood natin, yun ‘yon.

“Hindi ko na alam… ayoko nang pag-usapan pa.”

Dalawang heartbreaks na ang naranasan ni Sarah—una kay Rayver Cruz at pangalawa nga itong kay Gerald.

Dahil sa nangyari, mas gugustuhin kaya ni Sarah na ang susunod niyang mamahalin ay hindi na taga-showbiz?

Sagot niya, “Nandun yung preference na sana non-showbiz, kasi siyempre alam naman natin na mahirap na nama-magnify ka, gustong malaman ng lahat kung anong progreso na, kung ano na nangyayari sa relasyon ninyo… so mahirap.

“Saka ako yung tao na kulang pa sa eksperyensiya.

"Hindi ko alam kung paano pangalagaan pa o kung ano ba ang dapat na gawin ko para halimbawa maging gaya nila Ate Juday [Judy Ann Santos] and Kuya Ryan [Agoncillo]… yung mga successful sa mga celebrity couples natin.

“E, wala akong ganun, so siyempre mayroon pa ring hope na yung makakarelasyon ko in the future, maging maayos.

“Hindi natin mapapangunahan yun.”


OTHER HEARTACHES. Isiniwalat din ni Sarah na hindi lang pala kina Rayver at Gerald ang heartaches na napagdaanan, kundi may mga tao rin na naging parte ng buhay niya na nagbigay sa kanya ng pagkabigo.

“Hindi siya second, many times na rin.

"Kahit naman wala pa ako sa show business, may mga heartaches na rin.

“Masyado kasi akong sheltered kaya pag na-brokenhearted ako, wasak talaga.

“Ganun talaga ako, grabe talaga.

“Iba ako magbigay ng tiwala kasi akala ko, kung paano kita pagkatiwalaan, ganun mo din ako pagkakatiwalaan. Kung gaano kita minamahal, ganun mo rin ako mamahalin.

“Dapat matagal ko nang natutuhan na i-guard talaga ang puso ko.

“Dapat talaga makita mo kung ano siyang tao.

“Pag nai-in love kasi tayo, nawawala lahat yun, nakakalimutan mo.”

Bagamat hindi natuloy ang anumang namagitan sa kanila, may mga bagay rin naman daw na pinapahalagahan si Sarah sa ginawang panliligaw sa kanya ni Gerald.

“Yung effort, yung willingness na harapin ang mga magulang.

“Pero siyempre, hinahanap natin yung consistency.

“Iba yung kayo, iba yung nakikita sa mga tao sa paligid ninyo—yung sincerity.”

Sa bandang huli, ang kanyang pamilya pa rin ang nasandalan ni Sarah sa mga nangyari.

Saad niya, “Napakalaking bagay nila sa kung anuman sa akin at responsiblidad ng mga magulang.

“Kumbaga, they have all the right na pangalagaan ang anak nilang babae.

“Kilala naman nila ako, ang situation ko, hindi madali.

“Sana bago pumasok sa ganitong klaseng bagay, bago ako niligawan, dapat sigurado sila.”

Sa naudlot na pag-ibigan sana nila ni Gerald, naniniwala si Sarah na Diyos ang may gusto ng mga nangyaring ito sa kanila.

“It’s not a decision, nangyari. Nagulat na lang ako na nangyari.

“Hindi sa walang regrets kasi, di ba, sabi nga natin, dapat natututo tayo sa mga napagdaanan natin? Hindi ko na-apply.

“Mahirap ang isang bagay na nararamdaman ko na hindi talaga.

“Pero minsan, pag blinded tayo, halimbawa na-in love tayo, pinipilit natin.

“The people around you, kasi siyempre tuwang-tuwa sila, e.

“Sino ba ang hindi kinikilig? Kasi ako, kahit kilig na kilig.”

Aminado si Sarah na nasaktan siya sa nangyari sa kanila ni Gerald.

“Ayokong sabihin na hindi ako nasaktan, talagang nasaktan ako kung ano ang nangyari.

“Pero ito ang gusto ng Diyos, ayaw na nating kuwestiyunin.

“Hindi ko alam kung nasaktan talaga siya [Gerald].

“Oo, totoo yun, yung sinabi ni Ate Juday na in every heartaches, mas masakit.”

TRAUMA. Trauma nga ba kay Sarah ang nangyari at nasabi niya sa sarili na dapat talaga ay maging maingat siya sa lalaking susunod na mamahalin?

“May ganun, siyempre kung anuman ang nangyari sa akin, naulit lang, e.

“Nagtiwala ako agad, ganun, ganyan.

“Dapat maging leksyon talaga kung anuman ang mga nangyari sa akin in the past.”

Nagpakatotoo rin si Sarah na sa masakit na pinagdaanan ay naapketuhan din ang kanyang trabaho, pero ginamit niya ito sa positibong paraan.

“Oo, kahit ayaw mong isama, halimbawa may pinagdadaanan, ang maganda diyan, ang sarap umiyak sa mga eksena.

“Wala na ako dun, tapos na ako dun.

“Sa ngayon, wala na.

“Nandun yung memories, yung mga bagay na nagpapasakit ng loob mo.

“Pero ayokong mag-dwell dun kasi hindi ka magiging masaya. Ayaw mo namang mabuhay sa ganun.”

CRISTINE REYES. Sa recent interviews ni Cristine Reyes ay nabanggit nito na tuluyan nang natuldukan kung anuman ang sigalot sa pagitan nila ni Sarah.

Para naman sa Pop Princess, wala siyang anumang sama ng loob na nararamdaman kay Cristine.

Aniya, “Alam ninyo, okay na naman kami ni Cristine.

“Basta ako, lahat ng pakikitungo ko sa kanya, every sorry niya, na ibinigay ko sa kanya, I meant it."


Source: http://pep.ph/news/3...urado-silardquo

Comments

  • edited 7:49AM
    “Sana bago pumasok sa ganitong klaseng bagay, bago ako niligawan, dapat sigurado sila.” No comment.
    Love you Sarah G!
  • edited January 2013
    @LifeQuoties: People change for 2 reasons: 1) They have learned a lot. 2) They have been hurt too much.

    Thanks 4 sharing agentO...
  • edited 7:49AM
    Sa wakas nagsalita na si Sarah.
  • edited 7:49AM
    When I read this article yesterday...I told myself- FINALLY. I have always told people around me that SARAH will speak her mind and heart on this matter the moment she has fully realized what really happened. Because at times, when we are caught up in the moment, it would take us time to absorb how things unfolded. It's a process. There are times when we feel that SILENCE could take care of everything and speaking up is such a painful thing to do. When I saw her at TV Patrol last night, I couldn't help but be enamored on the beauty i am seeing. The camera loved her! Her face was stern but it's sparkling. napakaganda nya talaga...but her sincerity and the conviction made her even more endearing.

    Reading between the lines, you could sense that her trust was again put to a test...on why a woman in love would suddenly have a change of heart? Your guess is as good as mine. But i am thankful that she chose not to be blinded by love.
  • RHBRHB
    edited 7:49AM
    Thanks for sharing smile.png
  • edited January 2013
    [font=tahoma, geneva, sans-serif]thank you po for sharing! smile.png[/font]


    [font=tahoma, geneva, sans-serif]'PACKAGE DEAL"..bonggang line yan! [img]https://sarahgeronimo.com/uploads/ipb/style_emoticons/legacy/smile.png..tamang tama:)..GOOD JOB SARAH![/img]smile.png[/font]
  • edited 7:49AM
    My love and support will always be for Sarah Geronimo. At least nakita niya ang tunay na pagkatao ng lalaki at Hindi siya nagbulagbulagan. Darating ang tamang lalaki sa tamang panahon ng Iyong buhay ayon sa Plano ng Diyos Sarah. I adore you more and more Sarah dahil mabuti kang tao.
  • edited 7:49AM
    Time will tell, who knows what might happen in the future. Very proud of Sarah on how she handled the past controversies involving her parents and her love life. A lady of grace, beautiful inside and out. Thanks for sharing.!
  • edited 7:49AM
    Thanks po for sharing!
  • edited 7:49AM
    Loislane46 wrote:
    When I read this article yesterday...I told myself- FINALLY. I have always told people around me that SARAH will speak her mind and heart on this matter the moment she has fully realized what really happened. Because at times, when we are caught up in the moment, it would take us time to absorb how things unfolded. It's a process. There are times when we feel that SILENCE could take care of everything and speaking up is such a painful thing to do. When I saw her at TV Patrol last night, I couldn't help but be enamored on the beauty i am seeing. The camera loved her! Her face was stern but it's sparkling. napakaganda nya talaga...but her sincerity and the conviction made her even more endearing. Reading between the lines, you could sense that her trust was again put to a test...on why a woman in love would suddenly have a change of heart? Your guess is as good as mine. But i am thankful that she chose not to be blinded by love.
    sgfever wrote:
    Time will tell, who knows what might happen in the future. Very proud of Sarah on how she handled the past controversies involving her parents and her love life. A lady of grace, beautiful inside and out. Thanks for sharing.!
    Totally my thoughts. Agree with that [img]https://sarahgeronimo.com/uploads/ipb/style_emoticons/legacy/smile.png Thanks for sharing[/img]heart.gif
  • edited 7:49AM
    Rabbitt wrote:
    Loislane46 wrote:
    When I read this article yesterday...I told myself- FINALLY. I have always told people around me that SARAH will speak her mind and heart on this matter the moment she has fully realized what really happened. Because at times, when we are caught up in the moment, it would take us time to absorb how things unfolded. It's a process. There are times when we feel that SILENCE could take care of everything and speaking up is such a painful thing to do. When I saw her at TV Patrol last night, I couldn't help but be enamored on the beauty i am seeing. The camera loved her! Her face was stern but it's sparkling. napakaganda nya talaga...but her sincerity and the conviction made her even more endearing. Reading between the lines, you could sense that her trust was again put to a test...on why a woman in love would suddenly have a change of heart? Your guess is as good as mine. But i am thankful that she chose not to be blinded by love.
    sgfever wrote:
    Time will tell, who knows what might happen in the future. Very proud of Sarah on how she handled the past controversies involving her parents and her love life. A lady of grace, beautiful inside and out. Thanks for sharing.!
    Totally my thoughts. Agree with that [img]https://sarahgeronimo.com/uploads/ipb/style_emoticons/legacy/smile.png Thanks for sharing[/img]heart.gif

    Peace and joy to all!

    Perfect timing yung pag-open up ni Sarah and then came issues regarding GA and the rest (you-know-who) involved. To Sarah, I can only say that your vindication is as bright as the noonday sun. God bless you and your family.
  • edited 7:49AM
    thanks for sharing......
    kaya mo yan bebe sarah at alam ko mabait kang anak at kahit kailan di mo isinasantabi ang iyong magulang sa bawat desisyon mo sa buhay...
    god love you so much...
  • edited 7:49AM
    thanks so much for sharing agent O.....
    kaya mo yan bebe sarah....
    god is always with you...
    keep on smiling....
  • edited 7:49AM
    ROSARY on 9 January 2013 at 12:13 PM said:


    Peace and joy to all!

    Perfect timing yung pag-open up ni Sarah and then came issues regarding GA and the rest (you-know-who) involved. To Sarah, I can only say that your vindication is as bright as the noonday sun. God bless you and your family.



    >>>> ABSOLUTELY...Thank GOD that our Princess has been spared once again from being with people who are not worthy of her love, friendship and trust...GA and this girl involved...all I can say is...THEY DESERVE EACH OTHER...and our PRINCESS deserves the BEST...It's 2013...let us pray more and harder for it is the year of the SNAKE...GODBLESS all of us especially those who truly love our PRINCESS.
Sign In or Register to comment.