BWN Grand Showdown @ Araneta

Press Articles (includes SPOILERS)Ang Pilipino Star Ngayon
September 21, 2006

Baka ma-extend ang ‘Bituin...’ kahit nakunan na ang finale nito

Link to original article

WARNING: Spoilers ahead!

Nakakapangilabot ang taping ng pagwawakas ng Bituing Walang Ningning na ginanap sa Araneta Coliseum last Tuesday night dahil saksi ang more than 15,000 katao kung sino talaga ang mas magaling sa dalawang diva, kung si Lavinia (Angelika dela Cruz) at Dorina (Sarah Geronimo).

Nang papunta kami sa nasabing venue ay inisip namin na konti lang ang tao dahil nga taping lang naman at hindi tipong concert style talaga, e, nagulat kami dahil tunay pala itong concert as in showdown.

Punumpuno ng iyakan sa ending at very touching ang pagkaka-buo ng pamilya ni Dorina at nang manumbalik siya bilang "avid fan" ni Lavinia dahil muli niyang sinabitan ng sampaguita ang idolo niyang si Lavinia habang kumakanta ito.

Mapapanood ang buong senaryo sa katapusan ng Setyembre, pero narinig namin na baka may extension pa dahil may mga eksenang idinagdag.

Samantala, nasa audience ang bigwigs ng ABS-CBN headed by Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes, Ms. Linggit Tan, Deo Endrinal, Joanna Gomez at iba pang familiar faces.
«13456

Comments

  • edited 8:45PM
    Ang Pilipino STAR Ngayon
    September 21, 2006

    BABY TALK Ni Salve V. Asis

    Link to original article

    Supposedly ay taping lang ang magaganap last Tuesday night sa Araneta Coliseum ng ending ng Bituing Walang Ningning. Pero isa pala itong full length concert featuring Sarah Geronimo. In fairness, napuno ang Araneta at marami pang tao kesa sa napuntahan kong concert sa Araneta recently lang.

    Kung singing lang nga ang usapan, no comparison between Sarah and Angelika dela Cruz na magkalaban sa Bituing Walang Ningning. Surely, nakakakanta si Angelika pero iba ang timbre ng boses niya compared to Sarah na in demand sa concert scene at ilang platinum award na nga ba ang nasa collection niya ng award.

    Kung sabagay, sa primetime sineserye lang naman ang nasabing tapatan kaya useless na i-compare sila.

    I heard na dapat ay live ang ending ng Bituing Walang Ningning, pero na-extend ito. Mataas daw kasi ang rating.

    Maganda ang ending. Nakakaiyak.

    Very cooperative ang audience at obvious na followers sila ng programa dahil alam nila ang bawat flow nito.

    After ng showdown, nagkaroon ng pasasalamat concert ang buong cast ng Bituin plus malalaking singers and stars ng ABS-CBN plus Aga Muhlach nag-speech as no. 1 endorser ng Jollibee na major sponsor ng nasabing concert.

    Pero ang bottom line, si Sarah pa rin ang bida. Grabe ang importance na ibinigay ng ABS-CBN kay Sarah. Nanood pa ang mga top guns ng ABS-CBN - Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes and Mr. Deo Endrinal, Viva’s Mr. Vic del Rosario among others.

    Moment ni Sarah ang gabing ‘yun. And she deserves it.
  • edited 8:45PM
    Photos from the Grand Showdown
    Originally posted by Aiga on the BWN Thread at PinoyExchange (Login required)

    SPOILER ALERT: ENDING DETAILS REVEALED IN THE PHOTOS

    Click on the thumbnail only if you REALLY want to see the larger version.

    248348706_50eb676fa5_t.jpg 248348708_b47b4f58b6_t.jpg
  • edited 8:45PM
    From Abante Online
    September 21, 2006

    Lolit, iniyakan sina Sarah at Angelika!
    ni Jojo Gabinete

    Link to original article

    STANDING ovation, masigabong palakpakan at malakas na tilian ang ibinigay ng audience sa ending ng showdown nina Dorina Pineda (Sarah Geronimo) at Lavinia Arguelles (Angelika dela Cruz) sa Bituing Walang Ningning na ginanap noong Martes ng gabi sa Araneta Coliseum.

    Humanga kami sa husay nina Sarah at Angelika dahil tuhog ang kanilang mga eksena pero hindi sila nagkamali kahit minsan. Hindi biro ang tuluy-tuloy na pagkanta nila habang umaarte at umiiyak sa stage.

    Bago kinunan ang finale ng Bituing Walang Ningning, nagkaroon muna ng blocking at rehearsal ang buong cast ng drama series ng ABS-CBN. Maaga kaming dumating sa Araneta Coliseum kaya napanood namin ang rehearsal nina Sarah at Angelika.

    Sa rehearsal pa lang, napaiyak na ang dalawa, pati na sina Zsa Zsa Padilla at Ai Ai delas Alas. Napaiyak si Angelika nang isabit sa kanya ni Sarah ang sampaguita pagkatapos magpaalam na ‘yon na ang kanyang huling pagkanta.

    ***

    Eksaktong 7:30 pm nang mag-umpisa ang taping para sa ending ng sinusubaybayang drama series ng ABS-CBN. Bago sinimulan ang taping, binigyan ng instructions ang audience na kailangang ang mga pangalan nina Dorina at Lavinia ang kanilang isigaw.

    Naging cooperative ang manonood. Actually, totoo at hindi na acting ang pagpalakpak at pagsigaw nila sa mga pangalan nina Dorina at Lavinia habang kumakanta ang dalawa.

    Dahil na rin sa galing ng mga artista, nag-iyakan ang manonood dahil sa mga makabagbag-damdaming eksena kahit walang intensyon ang mga artista na paiyakin ang audience.

    ***

    Kasama namin si Lolit Solis sa panonood ng grand showdown nina Sarah at Angelika. Hindi itinatanggi ni Lolit na paborito niya ang Bituing Walang Ningning at nagpunta rin siya sa Araneta Coliseum bilang suporta sa kanyang mga alaga na bahagi ng cast, sina Tonton Gutierrez at Amy Austria.

    "Ang cheap ko, ha!" ang dialogue ni Lolit habang pinapahid ang mga luha na dumadaloy sa kanyang pisngi dahil nadala siya sa mga eksena nina Sarah at Angelika.

    Maraming TV camera ang ginamit nang kunan ang finale ng drama series. Sigurado kami na nakunan ng kamera ang pag-iyak ni Lolit at ang kanyang walang patid na pagpalakpak habang kumakanta si Sarah.

    Nang gabing ‘yon, isang fan at hindi TV host o talent manager ang aming nakasama. Hanggang ngayon, nakatatak sa isip namin ang walang patid na pagpalakpak ni Lolit kahit walang dahilan para palakpakan ang ilang eksena na pinapanood namin.

    In fact, sa rehearsal pa lang, hindi nag-iisa sina Zsa Zsa, Ai Ai, Angelika at Sarah sa pag-iyak dahil mula sa kanyang kinauupuan, umiiyak din si Lolit na 4 pm pa lang ay pumunta na sa Araneta Coliseum.

    Nag-feeling cast member ba ng Bituing Walang Ningning si Lolit Solis? Well... sort of!
  • edited 8:45PM
    wow .. to the highest level talaga ung showdown...can't wait to watch it on tv...kailan kaya ung ipalabas,,,tnx for sharing
  • edited 8:45PM
    Thanks Carla for sharing.

    lalo akong nasabik mapanood ang BWN lalo na iyong ending.
  • edited September 2006
    Oliver Carnay of HollywoodFlip.com has an extensive photo gallery with over 70 photos from the BWN Grand Showdown at the Araneta Coliseum.

    Click here to visit his photo gallery

    248890540_ae8e921ba7_o.png
  • edited 8:45PM
    thanks po for sharin the article.. carla_fan
  • edited 8:45PM
    Wow....ang gaganda nila.....thanks much Carla.
  • JoeJoe
    edited September 2006
    Wow! Thanks CF!... hehehe if you dont like to be spoiled, ... dont look at the pics!....

    and from the looks of it (and kwento ni outrigger and scully), sarah can really do theater!!!...
  • edited 8:45PM
    wow i got to see those pix...tnx carla_fan for sharing ha....ur d best!!!
  • edited 8:45PM
    Joe wrote on Sep 21 2006, 05:19 PM:
    Wow! Thanks CF!... hehehe if you dont like to be spoiled, ... dont look at the pics!....

    and from the looks of it (and kwento ni outrigger and scully), sarah can really do theater!!!...

    Yeah, this whole thread is a spoiler thread -- kaya nga I figured it would be better to just create a separate thread about the grand showdown.

    Ganda ng mga photos, 'no?

    I'm sure a lot more articles about the showdown will come out. If ever I find anymore I'll just post them here.
  • edited September 2006
    Journal Online
    September 21, 2006

    TATTLE
    by : Nel Alejandrino

    Angelika ’di nagpatalbog kay Sarah

    Link to original article

    THE final scene of the ABS-CBN teleserye, Bituing Walang Ningning, is truly a must na panoorin, if only for the showdown between Dorina (Sarah Geronimo) at Lavinia (Angelika dela Cruz).

    Doon makikita kung sino sa dalawa ang may karapatang tawaging bituing “may ningning.” Idinaan ito via a concert na ginanap mismo sa Araneta Coliseum.

    Well, the concert was witnessed by a live audience. Jampacked ang Big Dome with no less than ABS-CBN top guns Charo Santos Concio and Cory Vidanes in the audience.

    Bagama’t, as expected, si Dorina (Sarah) ang mag-i-end up as the star of the show, Angelika put up a tough fight and how!

    She proved she also has the voice, though maybe not as powerful as Sarah’s. But given the chance, Angelika can eventually become a singer to reckon with.

    Personality-wise, ang laki na ng ipinagbago niya. Kung anuman ang naging bulung-bulungan in the past na diumano’y ipinagawa niya sa kanyang mukha, naka-add ’yon para magkaroon siya ng kakaibang charm.

    * * *

    AT 18, Sarah has improved a lot as a singer and performer. Kapansin-pansin din na, despite the naggagandahang gowns na isinuot niya courtesy of kilalang designer-couturiers, Sarah somehow still lacks the luster, not to say, the class associated with renowned divas like Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, Regine Velasquez, Sharon Cuneta and much, much earlier, Pilita Corrales.

    Sana Sarah will acquire ang mga katangiang ito through the years.
  • edited 8:45PM
    happydance.gif alt=':hd:' ] yahhoooo .. dami pala news and pix d2.. thankx CF spoton.gif
  • JoeJoe
    edited 8:45PM
    Thanks CF!!!,

    so if this is a spoiler thread, here is what I can conclude from the photos...

    - Nico's not in the showdown, so it wont be a nico-dorina ending (no-show? why? philippine idol?)
    - Oman's there, but didnt see him being hugged by dorina- not a doman ending
    - family- the story is truly about family!
    - redemption - lavinia reunited with her family
    - adora, she lived to see the showdown.
    - Larry, although I've read Larry was there, seems insignificant to the ending (hopefully not)

    hopefully the redemption angle is played up well, and how dorina chooses her family instead of fame.... now I dont care about who dorina ends up with, I just want to see the ending! great job to the whole BWN team!
  • edited 8:45PM
    grabe ibang level!!!! excited nako mapanood ung ending... how i wish napanood ko ng live.. iba parin tyak pag live anggaling.gif
  • ChairCChairC Bungi Fanatic
    edited 8:45PM
    Carla_Fan wrote on Sep 21 2006, 04:36 PM:
    Oliver Carnay of HollywoodFlip.com has an extensive photo gallery with over 70 photos from the BWN Grand Showdown at the Araneta Coliseum.

    Click here to visit his photo gallery

    248890540_ae8e921ba7_o.png


    Thanks a million CF.... ang gaganda.. maraming salamat din kay O.Carney (kahit di pwde right click mouse) 6.gif
  • edited 8:45PM
    Salamat sa mga nag-share!!! anggaling.gif
  • mp3mp3 Popster
    edited 8:45PM
    yikes.gif alt=':yikes:' ] Wow Spoiler nga! biggrin.gif alt=':D' ] Thanks CF for sharing spoton.gif
  • JoeJoe
    edited September 2006
    Hi CF!! thanks for pointing us to this site!... I also saw your link to the pasasalamat concert and saw Ryan A, so he was there!.... mukhang hindi naman pala todo spoiler yung mga photos!!.... hehehe...

    looking at PEX, mukhang zipped up pa ang mga bibig ng posters, wala ding nagsasabi kung ano nangyari sa ending, hehehehe...

    Galing!... so excited kami!
  • edited 8:45PM
    wow. thanks for the links CF. i was there, but i want to see it again!! so, i can imagine everyone's excitement. let's just all hang in there. kaya natin to. hehe..

    joe, what ending are you referring to?
Sign In or Register to comment.