Sarah, may suitor na!

edited May 2008 in News and Articles
Tanod (21May08)Title: SARAH MAY SUITOR NA!
Date: 05/21/08
Source: Tanod


Nadulas si Sarah Geronimo sa pag aming may nanliligaw na sa kanyang singer/actor at kasamahan niya ito sa ASAP '08.

Sa tagal na naming nakakausap si Sarah ay puro zero ang love life niya dahil wala pa raw nanliligaw sa kanya at kesyo di pa siya ready magka-boyfriend. Pero sa launching ng Belo Essentials Face Wash na ang dalaga ang additional endorser sa Belo Medical Group ay di nakontrol ng singer/actress ang bibig niya.

"Opo, may nanliligaw na," bahagya muna niyang sambit at nang kunin namin ang identity ng suitor niya ay ito ang sagot ng dalaga: "Singer/actor po, taga-ASAP din."

Kinulit pa rin namin si Sarah kung sino ang suitor niya at nu'ng banggitin namin ang name ni Mark Bautista ay heto ang sambit ng dalaga: "Naku, huwag po 'yun, kuya ko po 'yun?

At nu'ng si Christian Bautista naman ang binanggit ay biglang napasagot ang dalaga ng, "ay, huwag 'yun."




thanks po=)

Tanod_sg1_21May08c.jpg
«13

Comments

Sign In or Register to comment.